Nang mabasa ko ang tulang ito nang ito'y iuwi ng aking anak na panganay, natuwa ako sa ganda ng pagkakasulat at senseridad ng may-akda. Nararapat lamang na ito ay gamitin bilang isa sa kanilang mga aralin. Hindi lamang ito kailangang isaulo ng isang mag-aaral kundi dapat tandaan ng buong puso upang siya ay gabayan sa kanyang pamumuhay bilang...
"Walang Hanggan" ni Loe Redada
August 12, 2013
Una siyang nasulyapan,
taglay niyang ganda ay kaakit-akit.
Siya'y sinubukang lapitan, kaibiganin, at hagkan.
Sa wagas na kanyang pagmamahal,
di naging hadlang na siya'y ibiging tunay.
Ngiti sa kanyang mga labi muling naibalik.
Kapalit ng pait sa kanyang kalungkutan,
ang nakaraan sadyang pilit kinalimutan.
Higpit ng kanyang yakap, haplos ang naramdaman.
Pilit mang itago ang nararamdaman,
ngunit tibok ng puso'y di mapigilan.
Sa bawat yapak ng paglalakbay,
paglubog ng araw kanilang natatanaw.
Sinubukang mangarap
na may magandang hinaharap.
Sa kabila ng balakid sa kanilang pangarap
ay lumipas ang sikat ng araw.
Animo'y aninong dumaan.
Matatamis na salita,
ito'y unti-unting nawawala.
Sa bawat bigkas ng mga salita,
salitang "Mahal Kita",
ay unti-unting kumukupas.
Kanyang pagmamahal
sinubukang ipaglaban.
Ngunit may hadlang
sa kanya'y naging palaisipan.
Kung ito'y nararapat paniwalaan,
na siya'y tuluyang kalimutan.
Hapdi sa kalooban kanyang naramdaman,
pilit itulak palayo ng kanyang kalooban.
Nararapat bang ito'y pagdaanan,
kung ito naman ay maiiwasan?
Sa bawat sulyap ng kanyang larawan
lungkot ang siyang nararamdaman.
Magandang alaala kailan ma'y di malilimutan,
na minsan sa buhay niya'y nagmahal siya ng lubusan.
Di man sila pinagbuklod ng tadhana,
pagsinta niya kailanma'y di kukupas.
Sa kabilang mundo sila pa rin ay magkikita.
Upang ipagpatuloy ang walang hanggang
pagmamahalan...
taglay niyang ganda ay kaakit-akit.
Siya'y sinubukang lapitan, kaibiganin, at hagkan.
Sa wagas na kanyang pagmamahal,
di naging hadlang na siya'y ibiging tunay.
Ngiti sa kanyang mga labi muling naibalik.
Kapalit ng pait sa kanyang kalungkutan,
ang nakaraan sadyang pilit kinalimutan.
Higpit ng kanyang yakap, haplos ang naramdaman.
Pilit mang itago ang nararamdaman,
ngunit tibok ng puso'y di mapigilan.
Sa bawat yapak ng paglalakbay,
paglubog ng araw kanilang natatanaw.
Sinubukang mangarap
na may magandang hinaharap.
Sa kabila ng balakid sa kanilang pangarap
ay lumipas ang sikat ng araw.
Animo'y aninong dumaan.
Matatamis na salita,
ito'y unti-unting nawawala.
Sa bawat bigkas ng mga salita,
salitang "Mahal Kita",
ay unti-unting kumukupas.
Kanyang pagmamahal
sinubukang ipaglaban.
Ngunit may hadlang
sa kanya'y naging palaisipan.
Kung ito'y nararapat paniwalaan,
na siya'y tuluyang kalimutan.
Hapdi sa kalooban kanyang naramdaman,
pilit itulak palayo ng kanyang kalooban.
Nararapat bang ito'y pagdaanan,
kung ito naman ay maiiwasan?
Sa bawat sulyap ng kanyang larawan
lungkot ang siyang nararamdaman.
Magandang alaala kailan ma'y di malilimutan,
na minsan sa buhay niya'y nagmahal siya ng lubusan.
Di man sila pinagbuklod ng tadhana,
pagsinta niya kailanma'y di kukupas.
Sa kabilang mundo sila pa rin ay magkikita.
Upang ipagpatuloy ang walang hanggang
pagmamahalan...
--------------------------------------------------------------------------
Ikaw, paano mo ipadarama ang iyong pagmamahal sa taong iyong sinisinta? Kaya mo bang ipaglaban ang iyong pagmamahal kahit ang iyong katipan ay sumuko na?
Ang May Akda: Si Loe Redada ay isang nars at kaibigang mabait, matapat, matulungin, at masayahin. Siya ay tubong
Oas, Albay.Inilalarawan niya ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga tula. Itinuturing niyang sandigan at inspirasyon ang
kanyang pamilya.
"SOTANA" ni Loe Redada
August 01, 2013
Sa kanyang pananalita na
bawat pangaral
Animo'y isang banal,
Ngunit pag-alis ng sotana'y
Isa ring taong hangal.
Nasaan ang iyong pangaral?
na ikaw mismo gumagawa ng
masamang asal.
Minsan na kitang nasilayan
sa pagtitig sa mansanas sa
aming bakuran,
Subalit ito'y akin lang
hinayaan.
Sa bawat matamis na salita na
iyong binitawan,
Ang mga ito'y sadyang
pinaniwalaan.
Ngunit bawat salitang lumabas
sa iyong bibig,
ay pawang kabalintunaan.
Dumating ang takdang
panahon na aking nalaman,
Na ang mansanas sa aming
bakuran ay pawang
pinagnasahan.
Galit ang aking naramdaman
dahil ang tiwala'y napunta sa
kawalan.
Pinitas ang mansanas ng wala
man lang paalam
Puso ko'y sadyang nabalam
pagkat ang mansanas na
pinakaingatan iyong 'di
pinakawalan.
Kasalanan man sa Diyos
ay iyo ng kinalimutan,
Sa pagnanasang iyong
makamtanan ang matamis
na mansanas sa aming
bakuran...
Dagat man ang ating pagitan
Babalik ka rin sa bayang
sinilangan,
Sa iyong kasalanan batas ng
tao ang aming ipaglalaban
bawat pangaral
Animo'y isang banal,
Ngunit pag-alis ng sotana'y
Isa ring taong hangal.
Nasaan ang iyong pangaral?
na ikaw mismo gumagawa ng
masamang asal.
Minsan na kitang nasilayan
sa pagtitig sa mansanas sa
aming bakuran,
Subalit ito'y akin lang
hinayaan.
Sa bawat matamis na salita na
iyong binitawan,
Ang mga ito'y sadyang
pinaniwalaan.
Ngunit bawat salitang lumabas
sa iyong bibig,
ay pawang kabalintunaan.
Dumating ang takdang
panahon na aking nalaman,
Na ang mansanas sa aming
bakuran ay pawang
pinagnasahan.
Galit ang aking naramdaman
dahil ang tiwala'y napunta sa
kawalan.
Pinitas ang mansanas ng wala
man lang paalam
Puso ko'y sadyang nabalam
pagkat ang mansanas na
pinakaingatan iyong 'di
pinakawalan.
Kasalanan man sa Diyos
ay iyo ng kinalimutan,
Sa pagnanasang iyong
makamtanan ang matamis
na mansanas sa aming
bakuran...
Dagat man ang ating pagitan
Babalik ka rin sa bayang
sinilangan,
Sa iyong kasalanan batas ng
tao ang aming ipaglalaban
--------------------------------------------------------------------------
Ano ang mensaheng ibig ipahiwatig ng may-akda? Bakit kaya ganoon na lamang ang pag-aalab ng kanyang damdamin sa taong nakasuot ng sotana?
Ang May Akda: Si Loe Redada ay isang nars at kaibigang mabait, matapat, matulungin, at masayahin. Siya ay tubong Oas, Albay.Inilalarawan niya ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ng mga tula. Itinuturing niyang sandigan at inspirasyon ang kanyang pamilya.