Parents Can Relate to the New McDelivery Video
August 27, 2018AAPM Musings, AAPM Must-Try, Features, McDelivery, McDelivery Commercial, McDonalds PH, someecards memes,
When I see parent, mom, or baby memes on Google, natatawa talaga ako! Humuhugot at relateable naman talaga silang lahat! Different parents have different stories to tell but those memes make every parent stand on a common ground--- Parenting is challenging and it's up to us if we will give up or just laugh about it!
I feel most of the time that cleaning the house is never ending even the kids are not toddlers anymore. Ewan ko ba? Hindi pa ako natatapos sa nililigpit ko, may kalat na naman ang nauna kong niligpit!
The more the kids are noisier the better because once they are extremely quiet, #alamnathis! May ginagawang kapilyuhan! Proven na 'yan kaya paranoia to the highest level ang peg!
When my kids are still very young, dito ko na-prove sa sarili ko na talagang low maintenance ako kasi once every two months or minsan once a year na lang akong magpa-haircut. 'Yan lang naman ang luxury ko sa buhay ang magpunta sa parlor para magpagupit kasi I do my own manicure and pedicure, lahat halos DIY. Kaya naman gustung-gusto ko talaga when I do grocery shopping all by myself when Paps has no work! Freedom! Then what I do when I go to the supermarket alone, diyan ako bumibili ng facial mask, facial wash, body scrub, at kapag may budget, lipstick. Minsan lang naman and I know that I deserve to pamper myself din naman. Buti na lang, Paps is very supportive and understanding. Well, sabi ko nga low maintenace wife naman ako so no problem! Hindi naman ako masyadong defensive, ano?
Aside from grocery shopping on my own, I look forward to my 20-minute hot bath before bedtime. Then when Paps is not that tired, I look forward to having coffee time with him while sitting down for more than 2 minutes! Yes, you read it right! Kasi naman ang mainit na kape na tinitimpla ko sa umaga, sa tanghali o hapon ko na naiinom! Kapag kumakain ako talagang mabilisan kasi ang daming gagawin. Noong maliliit pa ang kids, impossible talagang magkaroon ng oras na umupo ng matagal.
I also appreciate the days when I drop Bunso and fetch him from school, when I attend blogging related events, or catch up with my friends. At least nakakapagbihis ako ng panlabas na damit at nakakapag-kilay at lipstick ako kahit paano! Sa ganitong pagkakataon, pinatutunanayan ko talagang "Kilay is LIFE!" Ang saya, 'di ba?
Who says that weekends are less stressful? No parent especially moms will say that! The kids are more clingy and there are more things to do during weekends kasi kumpleto ang pamilya sa bahay!
Sa totoo lang, kapag may chance na makaunat sa bed ang likod ko or makaidlip man lang, para talaga akong nanalo sa lotto!
'Tapos nakaiinit ng ulo kapag kulang sa tulog pero kailangang gawin ang duties ng buong pasensya at pagmamahal kasi parte naman talaga ng parenting ang mga ganitong klase ng sakrispisyo. We do things out of love, 'ika nga. No explanation needed. Bonus na bonus talaga rin na may kabiyak kang maasahan sa ganitong pagkakataon kaya lucky me!
Kulang na sa tulog, pagkatapos gutom pa! Ay giyera na 'yan kung tutuusin lalo na kung walang nailutong pagkain. Sa ganitong pagkakataon kailangang maging cool pa rin. The kids don't deserve to experience displacement of anger. Iniisip ko na lang, they just do what they do best.
That's why when Paps and I saw the latest McDelivery video, talaga namang naka-relate kami ng bonggang-bongga! In a circumstance that you have to choose what is necessary at the moment, a reliable delivery service of your favorite comfort food truly saves the day! O mga, Mars at Pards, panoorin ninyo ito at tiyak na sasabihin ninyo sa sarili ninyo, "Ay, parang kami lang 'yan!"
Photo credit: someecards.com
Video credit: Mcdo Philippines
0 comments
Thanks for stopping by!
I would love to know your feedback!