"SOTANA" ni Loe Redada

August 01, 2013
, ,

Sa kanyang pananalita na
bawat pangaral
Animo'y isang banal,
Ngunit pag-alis ng sotana'y
Isa ring taong hangal.

Nasaan ang iyong pangaral?
na ikaw mismo gumagawa ng
masamang asal.

Minsan na kitang nasilayan
sa pagtitig sa mansanas sa
aming bakuran,
Subalit ito'y akin lang
hinayaan.

Sa bawat matamis na salita na
iyong binitawan,
Ang mga ito'y sadyang
pinaniwalaan.
Ngunit bawat salitang lumabas
sa iyong bibig,
ay pawang kabalintunaan.

Dumating ang takdang
panahon na aking nalaman,
Na ang mansanas sa aming
bakuran ay pawang
pinagnasahan.
Galit ang aking naramdaman
dahil ang tiwala'y napunta sa
kawalan.

Pinitas ang mansanas ng wala
man lang paalam
Puso ko'y sadyang nabalam
pagkat ang mansanas na
pinakaingatan iyong 'di
pinakawalan.

Kasalanan man sa Diyos
ay iyo ng kinalimutan,
Sa pagnanasang iyong
makamtanan ang matamis
na mansanas sa aming
bakuran...

Dagat man ang ating pagitan
Babalik ka rin sa bayang
sinilangan,
Sa iyong kasalanan batas ng
tao ang aming ipaglalaban

--------------------------------------------------------------------------
Ano ang mensaheng ibig ipahiwatig ng may-akda? Bakit kaya ganoon na lamang ang pag-aalab ng kanyang damdamin sa taong nakasuot ng sotana?

Ang May Akda: Si Loe Redada ay isang nars at kaibigang mabait, matapat, matulungin, at masayahin. Siya ay tubong Oas, Albay.Inilalarawan niya ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ng mga tula. Itinuturing niyang sandigan at inspirasyon ang kanyang pamilya.

Related Posts

0 comments

Thanks for stopping by!
I would love to know your feedback!

Blog Archive

Subscribe