Ang Mga Natatanging Aklat na Pambata na Isinulat ni Bb. Meanne Mabesa Mijares

April 06, 2018
, , , , , , , , ,

Sa henerasyong ito na karamihan sa mga kabataan ay nahihilig sa paggamit ng kanilang mga "gadgets" upang libangin ang kanilang mga sarili sa paglalaro at panonood ng mga palabas, bilang mga responsableng mga magulang ay huwag nating kalilimutan ang pagtuturo sa ating mga anak ng pagbabasa ng aklat, ito man ay gawa sa papel o elektroniko (eBooks). Ang kasanayan sa pagbabasa ay mahalaga sa kanilang pag-unlad sa lahat ng aspeto sapagkat ito ang pundasyon sa pagtuklas at pag-aaral ng iba bang kaalaman. Kaya naman ang pag-aaral ng pagbasa ay huwag bale-walain sapagkat ang batang marunong magbasa ay tiyak na makasusunod sa mga panuntunan at mas magkakatoon ng pagkakataong matuto pa ng higit kahit kaunti lamang ang gabay mula sa kanilang mga magulang, guro, o tagapag-alaga.

Sa pagtuturo ng pagbasa sa mga kabataan, dapat ang mga magulang ay maging mapili sa mga aklat na kanilang ipababasa o babasahin sa kanilang mga anak. Ang pagbasa ay isang epektibong pamamaraan upang ibahagi ang kagandahang asal maliban pa sa mga bagay na kailangang matutuhan ng kabataan na may relasyon sa akademika. 

Kaya naman, bilang isang ina ay sinusoportahan ko ang mga Pinoy at Pinay na may-akda upang malaman ng aking mga anak ang kulturang Pinoy lalo na ang magagandang asal na talagang likas sa mga Pilipino na kailangan nilang matutuhan at linangin upang maging mabuting mamayan saan man siyang bahagi ng mundo mapunta.

Isa sa mga Pinay na manunulat na aking minamahal at sinusuportahan ay si Bb. Meanne Mabesa Mijares sapagkat ang kanyang mga isinulat na kwentong pambata ay kapupulutan ng aral at nakapagpapasigla ng kagandahang loob at pananalig sa Diyos.

Sa kanyang isinulat na aklat na pinamagatang "Si Dina Daldal at Si Mikmik Tahimik" kanyang naipakikita ang realidad ng buhay na ito ay puno ng pagsubok at mga bagay at pangyayaring hindi kanais-nais na dala ng pagmamalabis ng ibang tao. Ngunit kung ang isang tao ay matatag ang pananampalataya sa Diyos at laging pinipili ang paggawa ng kabutihan at ipinaglalaban ito kung kinakailangan para sa kanyang sarili, kaibigan, mahal sa buhay, at kanyang kapwa, tiyak na magiging maganda ang kalalabasan ng adhikaing ito. Pinatutunayan ng kwentong ito na ang bawat isa ay dapat huwag maging manhid, magbulag-bulagan o magbingi-bingihan sa mga taong nangangailangan ng tulong upang ang katarungan at kabutihan at laging manaig at sumulong.

Gayun din naman, kung tayo ay minimithi sa buhay, huwag tayong mahiyang magdasal sa Poong Maykapal. Ang Ating Diyos Ama ay may nakalaang biyaya sa ating lahat, ito man ay nakikita o hindi, ispiritwal man o temporal, talento, mabuting kalooban, at marami pang iba. Hinihintay lamang Niya tayong hilingin ang mga ito at Kanya namang ibibigay sa tamang panahon. Huwag nating sayangin ang pagkakataon. Manalig lamang tayo at magpasalamat. Ang mga ito ay itinuturo ng kwentong pinamagatang "The Pearl Boxes of Blessings: A Christmas Story from Heaven Above".

All-Around Pinay Mama, Diego Meets the Pope, Emma Kali-kaliete Emma Uutal-utal, Si Dina Daldal at si Mikmik tahimik, A Precious Box of Pearls book,  Aklat ni Bb. Meanne Mijares Mabesa
"The Pearl Boxes of Blessings: A Christmas Story from Heaven Above" at "Si Dina Daldal at Si Mikmik Tahimik" ay siyang tunay na kapupulutan ng aral.
Sa kwentong "Emma Kali-Kaliwete! Emma U-utal-utal" ay makikita natin na kahit ano pa man ang ating kakulangan o kaibahan sa ibang tao, tayo ay kailangang maging matatag at maniwalang makakayanan natin ang kahit anong pagsubok na dumating sa ating buhay gawa ng ating pagiging "iba". Ang pananalig sa Diyos at paniniwala sa sarili ang siyang magpapatatag sa atin kasama na tunay na pagmamahal ng ating pamilya. Pagpapatawad, pagbangon hatid ng pagkakadapa dahil sa mga pagsubok, kababaang-loob, pagmamahal, at pagpapatawad, ang ilan sa napakaraming aral na itinuturo ng aklat na ito.


Sinasalamin sa kwentong "Diego Meets the Pope/Makikilala ni Diego ang Santo Papa" na kung ating pinagyayaman ang mga talentong ipinagkaloob sa atin ng Diyos, ito ay magiging daan upang maghatid ng inspirasyon at kasiyahan sa iba. Ang buhay ay puno ng sorpresa at ang ating talento ay maaaring magbigay daan upang mabiyayaan ng opportunidad na hindi inaasahan. 

Aking inaanyayahan na kayo ay magbasa kasama ng inyong mga anak kahit ano pa man ang kanilang edad ang mga kwentong aking nabanggit. Ang mga aklat na sumusunod ay mabibili sa lahat ng St . Pauls Bookstores sa buong bansa: "Emma Kali-Kaliwete! Emma U-utal-utal", "Si Dina Daldal at Si Mikmik Tahimik", at "The Pearl Boxes of Blessings: A Christmas Story from Heaven Above". Ang aklat naman na "Diego Meets the Pope/Makikilala ni Diego ang Santo Papa" ay mabibili sa National Book Store. Tayo nang suportahan ang mga natatanging aklat ng natatanging may-akda na si Bb. Meanne Mabesa Mijares at turuan ng kagandahang-asal, kagandahang-loob, at pananalig sa Diyos ang ating mga anak. 

Related Posts

0 comments

Thanks for stopping by!
I would love to know your feedback!

Blog Archive

Subscribe